Tuesday, July 13, 2004

HYPER NA DEADS

Eto na, eto na, haaaay...grabe tagal bago uli ako nakasulat dito sa blog ko, di ko na maalala kung ano na ang mga nangyaring gusto kong ilagay dito, sus! Umabay nako sa kasal, nag-open na uli ang show sa TM, nagworkshop ng isang oras sa PICC at nakita ko ang bagong mangingibig na si chiekeeboi (yeahbah! Congrats!!! Woooh!!!) at nakita ko rin yung dati kong crush si carol, na me asawa na pero sobrang asteeeg pa rin, getting betterer as she gets olderer shet delicious! at kilala pa rin nya ako omygahd! Saya, kilig hihihi! At crush ko rin yung naghandle ng pa-workshop sa PICC, si hana....haaaayyy, di ko cya makalimutan shet! (o nasabi ko na kay atty yan, tawa lang cya ng tawa hehehe).

Salamat pala sa mga nagpunta sa opening sa TM at sa bertdeyan ni atty, ako ang nagtapos nung parti kasi deads na naman ako dahil sa tatlong bote ng sanmiglite, tulog na naman sus, hina ko na uminom! Kay des, ang ever-artist(s)-friendly & loving kapatid ko, na so totful and kewl, salamat! Sa mga bagong magkasintahan na ayaw pang magsubuan ng keyk, nahihiya..weeeeehehehe ate chiekee at kuya laya woooooh! Parang hayskul pero asteeg, shet!

Si nanay ayun, namiss nya mga happening sa TM at sa bahay ni atty, kasi NAR sya ni fafa den...oi pagaling ka na ser, sidebar na uli tayo! Wag mong mahalin yang sakit mo, papawis lang yan! More praktis tayo hehehe! Praktis! Praktis! Praktis!

Hehehe...hyper yata ako ah, cguro namiss ko lang kape ko, kakabili ko lang ng 500g na kape, milo kasi ako the past week, haaay....sarap! sarap lahat! Deads ako kanina gawa ng apat na araw na work, as in gising ng 4 am, grapix na hanggang 2 am the following day, apat na araw, hanggang kanina shet!

Hapdi na nga ng mata ko kakapuyat sa harap ng pc! Sakit pa sa likod, pero ayun natapos din haay..pero me bago na naman padating, apat na mitings kanina shet, sumakit ulo ko sa init. Dami blessings... sindami ng mga nagmamahal sa akin at ng mga mahal kong kaibigan! Salamat po!



Eto pala yung dalawang paintings na regalo ko dun sa mag-asawang marco at jocelyn polo, woooh! Mabuhay ang bagong kasal! Humayo kayo at magparami hehehe! O wag na kayong humanap ng larawan kong nakabarong hehehe...

Tuesday, June 15, 2004

EEWWW LIKE 'DUH!

Haba ng araw ng martes, although masaya kasi ang dami naming nalinaw na mga gawain sa ASKAL. Nakakapagod din kasi non-stop na balitaktakan sobrang nagasgas ang kokote ni kuya (kung meron man hihihi), umuusok ang mga bibig nila iggy, carlo, at marc. Ako naman kape, biskwit, kape, biskwit, kape, biskwit tapus sprite! Hehehe :) Ayun mas pinatatag ang layunin ng grupo, in-assess ang mga nagawa sa loob ng anim na buwan at ang mga iba pang pag nanais na paunlarin ang sining na aming pinaninindigan.

Sa gitna ng mga pag uusap ay may mga texts galing sa mahal kong kafatid at nanay, pero unang nagtext c chiekeeboi tungkol dito, nasa mrt cubao pako nun. Nasenti din daw sila sa entry ko sa blog, apektado din sila tulad ng aking nararamdaman sa mga bagay bagay sa earth! (sa earth? “as in tot’lly!? Like Duh!?” hehehe, sidebar coños)

Bigla tuloy napaisip ako, anu nga ba sinulat ko dun? Na-excite tuloy akong umuwi para basahing muli ang mga sinulat ko, pero 7:30 na yata ako naka uwi, tapus di pa agad ako nakapagcheck kasi nagkwentuhan pa kami ng tatay ko kahit di pako nagdidiner, hanggang 11 habang iniintay nya sasakyan niya pauwing lucban. Tom jones nako, pero walang makain dito, dinner sana kami ni atty, kaso di agad dumating sundo ni tatay kaya napostpone dinner namin ni atty (kahit mishnamish ko na mami ko!)

Nang makaalis si tatay, sabi ko kain ako sa kanto, kahit lugaw or tapsi, paglabas ko shet! Umaambon! Sa di kalayuan nakita ko yung manong balot! Aha, sabi ko balot na lang ako, dalawa cguro para solve. Papunta sa direksyon ko si manong, pero pumasok muna uli ako ng bahay, tapus inaabangan ko na lang cya sa may pintuan, ang tagal, as in! Lumabas uli ako baka kako bumalik sya papalayo. Pagtingin ko, nawala, ayun! Nasa may pader ng kapitbahay namin, UMIIHI si manong!!!!!

Demittttt!!!! kung nagkataon, the hend dot will pull out the balots from the basket cud be the seym hend he used to pull out mr. patotoy!!!! Awwwman! Even the tot itself meks me say eeeeeeewwwwwww! Shud i hav noth noticed it mehnnnn, i kud hav eaten balots with pubic hair parrrehhh, or it cud be salty na agad from the outside ya know! Eeeewwww!!!! Hehehe :D missesess you all mga kafatid!

Monday, June 14, 2004

SANDALI LANG

Monday na naman kanina, mayamaya lang eh Martes na, parang ang isang linggo eh isang maghapon lang. Nakakapagod, arrrrrgh, kung iisipin ang bawat araw na lumilipas, parang sandali lang, awwwshet talaga! Ang bilis, maraming nangyayari, minsan masaya parang walang katapusan, tapus malungkot pag mga sandali’y nagbalik na sa katotohanan. Minsan din di mo na alam kung alin ang which is which, anu nga ba!? SHET?!!?

Ang daming salita, hagikikan, argumento, kwento, balita, mga ngiti, tanungan, kulitan, biruan, sulyapan, mga “makabuluhang” galaw, senyas, usapan, intentions, transaksyon, biyahe, lakad, texts, tawagan at ciempre paalaman. Ang dami din ng mga alalahanin, pansarili, pampamilya, pag-ibig, pambayan, ekonomiya, pag-unlad, ang tropa, ang organisasyon, ang trabaho, ang future, ang kakainin mamaya, bukas, sa susunod na araw at kung anu ano pa. AS IF!!?

Pero ang pinakamasarap ay ang mga hiram na sandali kasama ng mga taong malapit sayo, pamilya, partner at mga piling kaibigan. Kaya siguro “sandali” lang ang tawag dun. SUS!!! :D

Naalala ko tuloy sabi ni nanay eebil kanina ober the fon sa TM ako tapus sa opis cya habang oras ng trabaho, para daw walang mga problema sa katawan ang mga magkakapatid at ang nanay nila tuwing sila ay magkakasama, super saya, super kulet, super gulo, super close, super gulong-gulong, at super asteeg talaga. Kaya naman, super nakakamis ang buong tropa matapos ang mga malulupit na sandali, NAKS!

Wala pa ko masulat dito sa blog. Shet! :D Kaya ayan senti na lang, hapi lang kasi blessed ako ng mabuting pamilya, mabuting kasintahan, malikhaing kakayanan at malulupit na kaibigan (mga rockstars, divas, at superstars) AWWW! :D

Tuesday, June 08, 2004

PINAGPALANG MARTES

Haaaay isa na namang bagong umaga, hapi Tuesday mga idol ko! Alam nyo ba kung anung meron on The Day After Tomorrow? Hmmmmm, kung di nyo pa alam itanong nyo kay nanayeebil....woooooooh!!!

Nanay: “Anak! Spell Thursday!”
Anak: “Huh? Bakit po nay?”
Nanay: “Wag ka ng magtanong, di kita bibigyan ng japanese tsokoleyt!”
Anak: “T–O-R-S-D-E-Y! nay its the day after tomorrow na po!
Nanay: “Anak ng tokwa, ilang tulog na lang yun ahh!?”
Anak: “Sus!? Uuuuy si nanay excitement!”
Alterego nung anak: “Sus! Kala naman baba pa dito, derecho na sa opis yun!”
Nanay: “Ano kamo?!”
Alterego nung nanay: “Naku kakalbuhin ko yun pag di yun bumaba dito, sus!?”
Anak: “Ano kamo nanay?! Me alterego ka na rin? SHUX!! (-ala chiekeeboi hehehe)

Hehehe jokjokjok!

Labas ngayon buong araw ang kuyaeebil, ayusin ang mga kasunod na shows para sa TM, press releases, pictures at ciempre bantay sa TM. Isang mahusay na back-to-back shows ito nila Dennis Gonzales at Renato Barja, ang titles nila RELOAD at SEASIDE SHOW. This time mga paintings uli, wala ng soft opening or closing ekek, basta isang major opening lang. Tentative date ng opening baka July 9, ciempre Friday yun.

Ingat kayo sa maghapon, kitakits sa mga blogs! Oi yung estudyante dyan odet, hapi schooling sayo kafatid! Mamimiss kita, gusto mo puntahan kita minsan sa USTE, kakawayan lang kita mula sa mga rehas ng gate nyo sa may espanya at aawitan kita ng “SEMBREAK!” woooooh!

ayan dahil di ako makaconnect kanina, hapon ko na to napost. sus!

Saturday, June 05, 2004

TENKYUTENKYU

Finally, the long wait is over...haay, kahit ako nainip din sa kakaintay promise! Inaral ko pa mga codes ng anak-ng-tokwang blogs na sobrang enjoy din naman kahit mabuang-buang ang kuya eebil. Ang dami daming bagay ang unang kong nakilala at napuntahan mula ng makakulitan ko ang mga tahimik, wholesome, mababait, behave, magaganda, masasaya, mga walang bisyo, mga malalakas ang sex-appeal, charms, educational ang mga trip, mga di-stressed, laging refreshing, very supportive, mga superstars, attentive, cool, creative, supermegatalented, ultratekki, thoughtful, supersweet, laging gising at mga loving na nilalang ng bumsquad (na ngayon eh altertropa na)! Awwwwwmehn! Cguro kasi wala na akong magawa simula ng gumuho ang aking repohtasyon (naks, kung meron man! hihihi) ng nakaraang easter Sunday ay maka-jamming ko ang buong tropang ito. Sus! Sobrang saya kasama, isang bahagi ng kasaysayang nagpabagsak sa ideyang ako ay malakas sa inuman! Sus grabe! At ang lahat ay nagsimula na, para silang kape na di ko matitiis na mamiss, o hindi maalala bago matapos ang isang maghapon (ciempre bukod sa asawa kong dumadaloy na sa aking sistema, hi mami!). Naadeeeek si kuya eebil, ang mga maliliit na bagay gaya ng praktis, YM, tawagan, sidebars, fieldtrips, exhibit openings, videoke, tugtugan-jamming, ang mga texts, kwentuhan at kulitan...hay joskopo! Kaya, para sa tropang ito, walang humpay na pasasalamat tenkyutenkyu at palakpakan plakplakplak talaga grabe, lahat sila idol ko talaga! Kay des, deens, chie, malen, odet at noreen, maraming maraming marami! Ayan hanapin nyo na lang sa larawan kung sino sila dyan hehehe. Ipagbigay alam na lang sa kinauukulan pag nakita nyo sila na gumagala kung saan saan hehehe. Salamat talaga sa inyong lahat lalo na sa suporta at pagtitiwala sa isang dose anyos na tulad ko. :D

Friday, June 04, 2004

BURNOUT

kapagburnout usually maalinsangan ang pakiramdam at di ka mapakali tapos ang dami mong iniisip na di naman dapat pagkaabalahan kaya nakaupo ka lang sa isang tabi tinititigan mo na lang ang kukumukurap kurap na liwanag na nanggagaling sa siwang ng pintuan ng kwarto ng kapitbahay nyo kasi sila lang ang me karapatang lumigaya kasi di sila burnout kaya ayun nakikinig ka na lang sa mahinang sigaw ng telebisyon nilang galing japan pero pinoy ang palabas at salita pati sound kasi super tagalized ang lahat ng linya ng mga tauhan sa seryeng paulit ulit nilang pinanonood habang nakataas ang mga paa nilang libagin at nanggigitata sa itsurang nakipagmarathon sa sandamukal na putik bahang nadaanan sa kanto nyong di naman kanto kasi pakurba ang hugis ng bahay na pink ang pader at orange ang mga pako sa bubong na stainless para daw di kinakalawang kasi mayaman sila dahil seaman ang kanilang lolo nung panahon ng kastila at aktibistang labandera naman ang kanilang lolang walang maalalang numero ng huli nyang tinayaang loto sa may palengkeng luma ngunit mabango kasi malinis dun me kuryente at ilaw hindi burnout.